Tuesday, April 18, 2017

Lahat Makakaya Kung Mananampalataya (Faith Can Make Things Happen) Tagalog Lyrics - JW Broadcasting April 2017

This April 2017 on the JW Broadcastig, the host of the program introduced the song "Faith Can Make Things Happen." In Tagalog, the song can be translated as Lahat Makakaya Kung Mananampalataya. Below is the Tagalog lyrics:

Lahat Makakaya Kung Mananampalataya Tagalog Lyrics - JW Broadcasting April 2017

Lahat Makakaya Kung Mananampalataya (Faith Can Make Things Happen) Lyrics
JW Broadcasting - April 2017

Mga katanungan sa aking puso,
Sabik maturuan at matuto.
Maturuan at matuto.
Katanungan ko, lahat nasagot.
At aking alinlangan naglaho na,
Alinlangan ay wala na.

Oh kay layo ng lakbayin,
Manampalataya ka.
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya, lahat kaya.

Mga natutuhan gustong ihayag.
Ako ay handa na, narito na.
Oh handa na, ito’y ihayag.
Pananampalataya, apoy sa puso ko.
Pagniningasin lagi, di susuko.
Pagningasin sa puso ko.

Oh kay layo ng lakbayin,
Hindi mo lilimutin.
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya, lahat kaya.

Daranasing hirap at pagdurusa,
Ang dalangin ay tulong, kumapit kay Jehova.
Sabi Nya, "kung may tiwala ka, Aking lakas madarama.
Kapag mayro’ng problema, Ako’y iyong kasama."

Oh kay layo ng lakbayin,
Hindi ko lilimutin.
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya.

Ako ay t’yak, walang duda.
Manampalataya.
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya.

Lahat kaya.

Sources: JW.org / JW Broadcasting / Watchtower Bible & Tract Society of Pennsylvania

0 comments:

Post a Comment

All submitted comments may not appear at once because they are subject for approval. Of course, bad comments are filtered out. Thank you for your cooperation.